‘Yung mga tao na walang tiwala sayo. ‘Yung mga tipo na may ginawa ka lang na bago sa paningin nila tila nagbago na rin ang pagtingin nila sayo bilang tao. Hindi ko naman hinihingi ang buong suporta nila sa gusto kong gawin, ang gusto ko lang eh yung wag na nilang pakialaman yung nais kong gawin sa buhay tutal alam ko naman na hindi ito ikasasama ng buhay ko eh. ‘Yung nag-alaga saakin mula pagkabata, suportado ako, pero sila na mga gabay ko lang sa sandali ng buhay ko, sila pa itong tila inilalayo ako sa aking gustong tahakin.

Kung nababasa niyo lang ang mga tinipa kong letra, mararamdaman niyo ang sakit na ibinibigay niyo sa aking damdamin. Hindi ako yung tao na kaya mong diktahan. Sana’y kahit minsan pabayaan mo na ako. Alam ko ang pagkakaiba ng tama sa mali.