Ang sama ng timing ng mga training at iba pang events. Marami akong binalak gawin at puntahan sa araw na yun, Sabado, February 4. Tapos biglang may schedule pala ng CAT Training. Ehh hindi naman pwedeng umabsent pag training, maraming demerits.
Siyempre kahit limang oras lang ang training namin pag Saturday, ang daming oras pa rin ang nasayang. Na sana ay nakapag-pasa na ako ng application form ko for DLSU-D. Hindi lang din pagpapasa ng form ang aatupagin ko sa Sabado. May gagawin din akong ibang projects. At siyempre higit sa lahat, magkikita kami ng prinsesa ko. Kaya sagabal sa schedule eh :(
Sana palarin na ma-postpone ang naka-iskedyul ng training. Kung susuwertehin ehh mas mainam.
