January 28, 2012. Yan ang date ngayon. Ang ganda pakinggan. Pero hindi lang basta ganyan yan para sakin. Ang daming nangyari sa araw na yan. Madaming pinagdaanan. Nakakapagod, nakakagutom, nakakahilo yung mga ginawa ko ngayong araw.
May CAT training kasi kami kaninang umaga. Nakakamiss ang training pero sa totoo lang, sobrang nakakapagod at ang sakit sa buto. Pero pampatibay din ng katawan. Tapos mga 11:30PM natapos ang training. Mga 12:15 nasa bahay na ako. Konting pahinga, chumibog ng konti at naligo na. Pumunta kasi kami sa badminton court kasi nga regular naman ang laro namin every Saturday.
Hindi rin naman ako masyadong nakapaglaro. Labas pasok kasi ako sa court. Maraming nangyari. Yung mga pangyayaring gusto kong mangyari na talagang nangyari kanina. Kaya kahit bitin ang laro ang ganda pa rin ng mga oras na yun dahil may nagpa-ngiti sa akin.
Around 6:30PM siguro nung lumabas kami ng court. Inantay namin siya. Then nung dumating siya pumunta kami sa paborito naming tambayan, McDonald’s. Hehe. After kumain, may mga moments na awkward talaga. Tahimik. Convo less. Na mukha lang talaga akong tanga. Pero talagang busog ako. Hehe.
Nung pauwi na kami. Mga 7:30 yata yun. Konting lakad. Usap usap ng sandali. At nang siya’y pasakay na ng tricycle, sumama ako. At medyo matagal din bago kami nakasakay kasi nagtalo pa ng konti, pero siyempre in a way na sweet pa rin.
Ngitian, kuwentuhan at tanungan yan ang naganap sa tricycle. Oo, talagang masaya yan. Lalo na yung best part. Which is unexpected naman talaga. Pero nangyari eh. Yung hindi mo talaga mapigilan yung sarili mo o yung puso mo na sabihin sakanya yung nararamdaman mo sakanya. Ang saya. Ang sarap sa feeling na alam ng bawat isa samin yung totoong nararamdaman namin.
Hindi ko na idedetalye yung bawat usapan namin, yung mga naging sagot niya sakin at yung mga tanong ko sakanya, dahil pag nabasa mo lang naman yung nasa taas. Alam mo na kung anong nangyari. Hehe.
Nung nandun na kaming dalawa sa subdivision nila. May isa pang unexpected pero ang ganda na nangyari. At siyempre kinulit ko pa rin siya na ihatid hanggang sa bahay nila, pero hindi eh. Hanggang kanto lang.
Mahalagang araw ‘to sa buhay ko, sa buhay natin. Araw na talagan ite-treasure ko. Araw na hindi mawawala saking isipan at puso. Dahil sa araw na ito, ikaw ay naging akin. At ako’y naging sayo.
